Newsletter 9.17.21 (Tagalog)
PAGPUPULONG NG MGA MAGULANG NG SAN FRANCISCO!
Huwebes, Septiyembre 30, 7 pm
Halinang sumali sa pinakauna nating pagpupulong IN-PERSON!
STEP 1. Kung hindi ka pa miembro ng SF Parents Coalition, sumali dito.
STEP 2. Pagkatapos sumali sa SF Parents Coalition, mag-RSVP dito.
Maganda itong pagkakataon upang harapan nating makilala ang isa’t isa at magkatuwaan. Magkakaroon din tayo ng maikling talakayan tungkol sa plano ng kanya-kanya ninyong paaralan para lutasin ang problema ng “learning loss.”
Balitang Paaralan
- Ang SFUSD ay nasa bottom 5% ng mga distrito sa California pagdating sa reading level. Ano ang tunay na krisis sa ating mga paaralan ngayon? Hindi ang COVID transmission na kasalukuyan ay zero kundi ang napakababang literacy rates ng ating mga mag-aaral! Kamakailang inilathala ng California Reading Coalition ang California Reading Report Card nito. Lumabas na 267th out of 287 ang SFUSD pagdating sa reading levels. Ibig sabihin ay nasa huling 5% ng mga distrito sa California tayo. Hindi ba’t dapat itong pag-ukulan ng pansin ng ating Board of Education? Hindi ba’t malamang itong lumala dahil sa mahabang panahon ng distance at hybrid learning?
- Umaksyon. Maaari nating tulungan ang bawa’t batang makapagbasa ng mabuti. Mayroon tayong kakayanan! Ayon sa ulat, “It is not the students themselves, or the level of resources, that drive student reading achievement – the primary drivers are district focus on reading, management practices, and, curriculum and instruction choices.” Para makisali sa Curriculum/Literacy Committee, magpadala ng email kay [email protected]. Maraming educational events ang gaganapin nila sa mga darating na araw. Tutulungan nila kayong mga magulang na magtaguyod ng mga hakbang sa inyong paaralan na magpapabuti ng reading levels ng inyong mga anak.
- Itinabi na sa ngayon ang resolusyon nina Commissioners Collins/Lopez na may kasamang rekomendasyon na hindi unay sa rekomendasyon ng Department of Public Health. Sa tatlong linggo pa magpupulong ang Board of Education’s Budget Committee para suriin ito for fiscal review. Ipagdiwang natin ang panalong ito ng mga parent advocates na tumawag laban sa resolusyon nina Commissioners Collins at Lopez. Maraming salamat sa inyo! Heto ang mga isyung dapat nating pag-ukulan ng pansin:
- Universal Modified Quarantine, pati ang pag-access sa testing
- Tunay na adult vaccine mandate sa lahat ng nagtatrabaho sa paaralang SFUSD
- Learning loss & social emotional needs – Ano ang plano? Saan ginagasta ang pondong bigay ng gobyernong pederal?
- Magandang kalidad na Online Learning Program at pagtuturo habang nasa quarantine
- Before and After Care? Kumusta ang inyong karanasan ng Before at After Care? Mayroon bang lugar para sa inyong mga anak? Mahaba ba ang wait lists? I-share kay [email protected] ang inyong feedback. Maraming Before at After Care programs ang naghihintay sa mga estudyanteng nasa kolehiyo na bumalik at magtrabaho para sa kanila. Nagkakatotoo ba ito? Salamat kina Supervisors Ronen at Melgar sa tulong nila sa napakaimportanteng isyu na ito!
- Bagong vaccination sites sa SFUSD schools. Magandang balita! Si Mayor Breed, ang Department of Public Health at ang SFUSD ay nagtulungan para buksan ang vaccination clinics sa Malcolm X Academy School (Bayview), Balboa High School (Excelsior), McCoppin Elementary School (Inner Richmond) at Sunset Elementary School (Outer Sunset). Para sa karagdagang impormasyon, tulad ng oras ng pagbubukas, i-click ito.
- Fun fact tungkol sa SF Parents. Mayroon na tayong suportang piskal galing sa Community Initiatives! Sa ngayon, nakapag-fundraise na tayo ng $10K simula sa tayo ay kilala bilang Decreasing the Distance hanggang sa kasalukayan natin na SF Parents. Karamihan ng mga donasyon ay $5-200. Salamat sa ating mga walang-pagod na volunteers! 💪 Kung mayroon kayong kilalang maalam sa fundraising, sumulat sa [email protected] at tulungan kaming suportahan ang mga magulang sa ating pamayanan at mag-community organizing.